Episode Details
Back to Episodes
171: Ang saysay ng kasaysayan w/ Indio Historian Kristoffer Pasion
Season 2
Episode 171
Published 3 years, 10 months ago
Description
Sa isa sa pinakamakasaysayang episode ng show, nakausap ni Ali ang millennial historian na si Kris Pasion, aka Indio Historian. Dito, tinalakay nila ang ilang mahahalagang tanong: Ano nga ba ang saysay ng kasaysayan sa panahon ngayon? Paano ba natin ito tatanawin at babalikan? May tama bang paraan sa paggawa nito? Sa ika-36 na taon naman ng paggunita sa EDSA People Power Revolution, pinag-usapan din nila ang diwa ng EDSA, at ang makabuluhang mga bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na kailangan nating sariwain, isabuhay, at ‘di kailanman dapat makalimutan.
Makinig, magpakumbaba, at matuto.