Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Habagat floods Metro Manila, Gina Acosta testifies in VP Sara Duterte impeachment trial, Malacañang suspends face-to-face government work and classes for August 18
Episode 420
Published 1 day, 11 hours ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Lunes, August 17, 2026.
- Iba't ibang bahagi ng Metro Manila, binaha matapos ang malakas pag-ulan
- Retaining wall sa Olongapo, gumuho; natangay ang isang bahay
- Ilang lugar, nagsuspinde na ng pasok bukas
- 16-anyos, patay nang saksakin ng 2 kapwa-menor de edad at 18-anyos
- 85 pamilya sa Brgy. Gen. T. De Leon sa Valenzuela City, nasunugan
- Senior citizen at kinakasama, arestado nang mahulihan umano ng P3M halaga ng droga
- 13-anyos, nawawala matapos maligo; hinahanap hanggang Ilog Pasig
- Pang-apat na kabataang inanod sa Marilao River, natagpuan na
- Traffic sa Quezon Ave, North Ave, at mga kalsada palabas ng NLEX, bumigat
- Epekto ng Habagat, posibleng magtatagal pa; bagong Low Pressure Area, nasa loob ng Philippine Area of Responsibility
- 1st single ni Will Ashley na 'Paborito', nag-number 1 sa iTunes PH chart; album launch, pinaghahandaaan ni Will
- Trapiko sa EDSA at ibang kalsada, bumigat dahil sa mga pagbaha
- Clearing ops sa Atok, nagpapatuloy; flash flood, pinangangambahan ng ilan
- Ex-Special Disbursing Officer ng OVP, itinuring na hostile witness dahil kawani pa rin nito kaya pinayagang tanungin ng leading questions
- Agad na paglilikas, ikinasa sa mga binahang brgy
- Baha, nagpabigat ng trapiko sa pasig at Cainta; ilang residente, inilikas
- VP Duterte, naghain ng panibagong perjury complaint laban sa nagpakilalang dating aide at bagman umano na si Ramil Madriaga
- Palasyo, inanunsiyo na work-from-home para sa government offices
- Pagtawid sa bahang kalsada, pahirapan; preemptive evacuation, ipinatutupad
- DOLE at OSG, kinuwestyon ang pagpigil ng Pasig RTC sa pagpapatupad ng umento sa sahod; naghain ng motion for reconsideration
- Caprice Cayetano at Clifford, naghahanda na para sa upcoming serye na 'A Million Dreams'
- Wish ng batang namigay ng pagkain sa kalsada sa bday niya: Yumaman 'to help other people'
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.