Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Ombudsman summons 14 ex-bodyguards, SP Gatchalian backs Pax Silica but with conditions, Apl.de.Ap partners with GMA Music
Episode 417
Published 4 days, 9 hours ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, August 14, 2026.
- Baha sa ilang bahagi ng QC, abot-dibdib dahil sa mga basurang bumara sa drainage
- Abot-leeg na baha, perwisyo sa mga taga-Bacolor; may mga nagbabangka na
- Malakas na ulan, baha, traffic at lubak lubak na daan, perwisyo sa mga motorista sa Valenzuela
- Pension ng 10 senior sa Maynila na matagal nang patay, nabistong may kumukubra
- DFA, nakikipag-ugnayan sa PH Embassy sa China ukol sa pag-aresto sa 100 'ilegal' na Pinoy roon
- Protesta vs. pinalawig na suspensyon sa P85 minimum wage hike sa NCR, ikinasa
- 21 tauhan ng pagawaan ng bakal na substandard umano at may radioactive material, arestado
- PBBM, mag-eendorso ng pres'l candidate na magpapatuloy ng pagsugpo sa katiwalian
- Animated film na "58th", nag-Phl premiere at special screening sa 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival
- Pinay ex-beauty queen at 5 Russian, nasagip sa human trafficking; suspek, arestado
- Paglapit ni Defensor sa media, nauwi sa bahagyang tensyon
- 1 sa 4 na tinangay ng rumaragasang ilog, hirap pa ring matagpuan; 3 iba pa, nakaburol na
- Habagat, patuloy na magpapaulan sa bansa ngayong weekend
- Bea Alonzo, iniingatan ang sarili para may lakas sa pagpapalaki ng mga magiging anak
- Ilang brgy, binaha nang masira ang 5 flood control structures sa Zambales
- Detalye sa pagkasawi ng ilan sa drug war, ipapasa ng 'Truth Commission' sa gobyerno
- Pax Silica, magandang oportunidad para sa bansa ayon kay SP Gatchalian
- Bagong bahay ni Kuya, Magbubukas sa regular housemates ng 'Pinoy Big Brother Collab 3.0'
- Nagbebenta ng karne ng aso, arestado
- 14 ex-bodyguard ni Co, ipinatawag ng Ombudsman kaugnay ng pagbaligtad ng 3 kasamahan
- Sandiganbayan, binasura ang kasong graft vs. ex-Iloilo City Mayor Jed Mabilog
- Mga malapit sa poultry farm at ilang negosyo, apektado ng langaw
- Apl.de.Ap, pumirma sa partnership w/ GMA Music
- Mga landslide, naitala sa Atok, Benguet
- DIY sit ups, nauwi sa katatawanan nang ma-pull up ang tile sa sahig
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.