Episode Details
Back to Episodes
Rep. Gerville Luistro, hinimay ang impeachment case ni VP Sara | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast
Description
IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA DUTERTE, TINAWAG NA "POLITICAL" AT INIUUGNAY UMANO SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION. LEAD HOUSE PROSECUTOR REP. GERVILLE LUISTRO, HINIMAY ANG MGA REKLAMO LABAN SA BISE PRESIDENTE.
Gumugulong na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Habang iginiit ng prosekusyon na may sapat na batayan ang Articles of Impeachment, naninindigan naman ang kampo ng Bise Presidente na ang proseso ay ginagamit lamang bilang isang political tool.
Sa #KMJS Podcast, ipinaliwanag ni Lead House Prosecutor Rep. Gerville Luistro ang mga batayan ng Articles of Impeachment, kabilang ang usapin ng confidential funds at iba pang reklamong kinakaharap ng Bise Presidente.
Sinagot din ni Luistro ang mga puna ng mga kritiko na nagsasabing may kaugnayan ang impeachment sa pagtakbo ni Vice President Duterte sa pagkapangulo sa 2028.
Bukod dito, inisa-isa rin ni Luistro ang mga isyung ipinupukol laban sa kanya.
Panoorin ang buong panayam.