Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: VP Sara Duterte skips second day of impeachment trial, Super Typhoon Bavi to strengthen Habagat, Jasmine Paolini ends Alex Eala's Wimbledon Round of 16 run
Episode 379
Published 1 month, 1 week ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, July 7, 2026.
- Videos ng banta ng bise na ipapapatay si PBBM, atbp, iniharap ng prosekusyon matapos ang mainit na debate
- VP Duterte, nagtungo sa Senado para makipagpulong sa defense team; hindi pa rin dumalo sa paglilitis
- Sen. Marcoleta, dinalaw ni VP Duterte sa PNP General Hospital
- Batang naglalaro ng saranggola, nalunod nang mahulog sa sirang bahagi ng riprap sa ilog
- Malakas na ulan at hangin, naranasan sa bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa thunderstorms
- Karakter ni Jak Roberto sa 'Taskforce Firewall', nabisto ang sikreto ng karakter ni Luis Hontiveros
- VP Duterte, balak na ipatawag bilang hostile witness ng House Prosecutors
- Tindera at katuwang nitong menor de edad, patay nang sagasaan ng oil tanker; 1 sugatan
- Sasakyan, tinangay umano ng nagrenta nito para ipangsundo ng balikbayan; 2 sa 3 suspek, huli
- Co-accused ni Sen. Marcoleta na si Aristotle Viray, nakakulong sa New QC Jail matapos maaresto kagabi
- Ex-Acting Senate Sgt.-at-Arms Aplasca, sinibak sa serbisyo ng Ombudsman
- Sarah Discaya at hepe ng finance section ng DPWH-Davao Occidental, pinayagang magpiyansa
- Antas ng pagmahal ng mga bilihin at serbisyo, bumagal nitong Hunyo (6.4%) vs. Mayo (6.8%)
- Suporta ng mga Pinoy, 'di humupa hanggang dulo ng labang Eala-Paolini; panalo ang huli (6-4, 4-6, 6-3)
- GMA Pictures film na 'Amir', pasok sa 2026 MMFF
- Depensa, inusisa kung paano natukoy ng testigong agent ang ipiniresentang dokumento; Prosekusyon — hawak niya ito kanina
- Super Bagyong Inday na papasok sa PAR, 'di magla-landfall pero magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa; palalakasin ang habagat
- Pagpapatigil sa Impeachment Trial, hiniling sa SC ng ilang abugadong kaalyado ng bise
- Bugaw umano sa motel, arestado; 4 menor de edad at 11 iba pa, sinagip
- Prosekusyon, masayang naiharap ang testigo at ang video ng banta umano ng bise kay Pangulong Marcos
- Revelations at twists sa kuwento ng 'You're my Favorite Song", kaabang-abang
- Reservoir wall, bumigay dahil sa rain volume; 2 buhawi, kumitil sa buhay ng 'di bababa sa 8
- Venezuela twin quake death toll, umabot na sa 3,535; tinututukan ang tulong sa halos 18,000 residenteng nawalan ng tirahan
- Defense Team: Hindi nag-walk out ang lead counsel ni VP Duterte
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.