Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: PH records 3-year-high inflation in April, Filipinos on board cruise ship with hantavirus outbreak, Met Gala 2026
Episode 316
Published 1 month ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, May 5, 2026.
- Opisinang may signage na "LTO Office," peke;bnakitaan ng mga pekeng rehistro, lisensya, atbp
- 12 babae kabilang ang 4 na menor de edad, nagsigawan at nagsabunutan matapos magkapikunan umano
- Driver na nagpakarga ng P1,500 halaga ng gasolina, tumakas
- VP Duterte sa mga mambabatas na nagsabing tiyak ang impeachment: Bakit sigurado (kayo)?
- Palasyo, sinabing nang-iintriga si VP Duterte nang sabihing sana nga'y magkaroon ng 2028 presidential elections
- 25 container na may bigas, pang-ukay, atbp, iba ang idineklarang laman para mura ang tax
- DOE: Pag-alis ng vat, magpapababa ng singil sa kuryente pero dapat pag-aralang mabuti
- Cast ng 'Never Say Die' at 'Taskforce Firewall', nakisaya sa Bangus Festival
- Hanggang 3 buwang installment sa bayad at pagsuspinde ng disconnection, iniutos ng ERC
- Mas intense na mga eksena, aabangan sa mid-season ng 'The Secrets of Hotel 88'; cast, may pa-tease sa posibleng plot twist
- 38 Pinoy, kabilang sa sakay ng cruise ship na nagka-hantavirus outbreak sa Atlantic Ocean
- Kahon-kahong pera, inihatid sa opisina ng ex-DPWH engr ayon sa Syms Liaison Officer
- 17 arestado sa pagtangay ng mga kable ng telco; tanso sa kable ang puntirya
- Bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo:7.2% nitong Abril vs. 4.1% noong Marso
- Bulkang Mayon, muling nagbuga ng uson; ilang may karamdaman, nangangamba
- Isa sa mino-monitor na Low Pressure Area, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility; naging bagyo ang isa
- 'Conscience vote' ang paiiralin umano ng NUP at Liberal Party sa botohan sa plenaryo
- Met gala red carpet, tila living canvas dahil sa suot ng rumampang celebrities
- VP Duterte at Sen. R. Tulfo, tabla nang pagtapatin sa Zubiri-commissioned survey
- Tomahawk Cruise Missile, unang beses ginamit sa joint-exercise ng PH at US
- Heath Jornales, binigyan ng bday surprise nina Caprice Cayetano, Marco Masa, at Clifford
- Cast ng 'Born to Shine', live na nag-perform ng OST ng series
- 'Chairman's Progress Report' kaugnay ng imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee, ipinresenta ni Sen. Lacson sa privilege speech
- Rep. Leviste, sinabing inalok siya ni Rep. Gardiola na samahan sila ni ES Recto na magnegosyo sa DPWH
- Wedding reception ng magkasintahan, 'di napigil kahit nag-aalboroto ang Mayon
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.