Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Magnitude 6 quake jolts Eastern Samar, Articles of impeachment vs VP Sara unanimously approved, Mayon Volcano remains at Alert Level 3
Episode 315
Published 1 month, 1 week ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Lunes, May 4, 2026.
- Mga pananim, 'di na mapapakinabangan; mga alagang hayop, nangamatay
- Hinukay na lagusan para sa tangkang panloloob sa 2 sanglaan, bistado
- 7 sa mga menor de edad na nagsisampa sa jeepney, nasa kustodiya ng Las Piñas-CSWD
- Committee report kaugnay ng reklamo vs. bise, inaprubahan ng House Justice Committee
- Pag-convene ng Senado bilang Impeachment Court, tutulan ni Sen. Padilla
- Magnitude 6 na lindol, yumanig sa San Julian, Eastern Samar
- ICC Trial Chamber 3, hiningan ng obserbasyon ang prosekusyon, depensa at kinatawan ng mga biktima kaugnay ng patuloy na pagkakadetine o pagpapalaya kay ex-Pres Duterte
- NBI Director Matibag at Sabio, kinumpirmang boses nila ang nagtatalo sa recording na 2020 pa anila nangyari; matagal na silang nagkaayos
- Epekto sa kalusugan at kabuhayan, pinangangambahan ng mga taga-Albay
- Dalawang namumuong sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility, mino-monitor ng PAGASA
- Ashley Sarmiento, nakilala ang family ni Rave Victoria sa SoKor; AshRave, inaming nasa ligawan stage
- Island hopping spots sa Mactan, Cebu, pinasyalan ni Sparkle Star AZ Martinez
- Total inflow sa bank accounts ni Carpio naging P2B imbes na P2M lamang dahil sa systems glitch sa bangko, ayon sa kanyang abugado
- Ilang serbisyo ng eGovPH, pansamantalang naantala dahil sa dami ng user at wala nang pambayad sa dagdag-kapasidad ng cloud server
- Kunwaring drone at barko ng kalaban, inasinta sa pagsasanay ng PH, USA, at Japan
- Jay Sonza, nag-piyansa para sa kasong pagpapakalat umano ng hindi berepikadong impormasyon tungkol sa kalusugan ni PBBM
- Watawat ng Pilipinas, inilagay sa Sandy Cay; pagkain at petrolyo, ipinamahagi
- Rep. Erice, kinukumbinsi ang kaalyadong si Mar Roxas para tumakbo sa pagka-pangulo
- Iran, binalaan ang Amerika laban sa plano nitong tulungan ang mga barko na makadaan sa Strait of Hormuz; aatakihin daw nito ang sinumang lalapit o papasok sa lugar
- Dagdag-bawas sa presyo ng langis bukas, May 5
- Kampo ni VP Duterte: Imposible ang mga alegasyon ni Madriaga laban sa bise; may ebidensya kami ng motibo niya
- Team Sparkle, nagpakitang gilas sa isang celebrity basketball game
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.