Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: PBBM’s Day of Valor message, Meralco hikes power rate by 53 cents this April, Alleged hazing reported in PNPA
Episode 291
Published 2 weeks, 1 day ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, April 10, 2026.
- GPS, kailangan para ma-monitor ang biyahe ng mga tsuper; ilang transport group, umalma dahil dagdag-gastos sa tsuper
- Sumosobra umanong paghihigpit at kawalan ng abiso o warning sa pagpapatupad ng safer Metro Manila plan, inireklamo ng ilan
- 3 sangkot sa umano'y hazing sa 20 underclassmen sa PNPA, inaresto at maaaring matanggal; 7 iba pa ang iniimbestigahan
- Sigurado na ang rollback sa langis sa susunod na linggo pero wala pang pinal na halaga — DOE
- Hope envelopes at isinumiteng affidavit ni dating Education Usec. Gloria Mercado, pina-subpoena ng House Justice Comm.
- Rep. Gloria Arroyo, mariing itinanggi na may kinalaman siya sa mga ugong na planong pagpapatalsik sa pwesto kay Speaker Bojie Dy III
- Pagtitipid ng ilang Kapuso stars sa gitna ng mahal na langis
- Iba't ibang branch ng isang grocery store, pinagnakawan; e-tap machines, puntirya
- P0.53/kWh dagdag sa singil ng Meralco ngayong Abril
- 303 namatay sa pinakamatinding pag-atake ng Israel sa Lebanon; inaasahang dadami pa
- Running at biking hobby ni Alden Richards, malaking tulong sa pagtitipid at makamit ang kanyang beach body para sa 'Love, Siargao'
- Malacañang, tinawag na 'fake news' ang alegasyong inulit na video lang ang pagpunta ni PBBM sa 'Araw ng Kagitingan' event kahapon sa Bataan
- Dita Angara-Mathay, itinalaga ni Pres. Marcos bilang secretary ng Department of Tourism
- Lalaking kinuha ang sensitibong videos ng kaibigan at saka ipinakalat, arestado
- Mga magsasaka sa Ifugao, nananawagang magtakda ng minimum price sa mga ibabagsak na gulay para magkaroon sila ng kita
- Bagyong nasa labas ng PAR, lalo pang lumakas; posibleng pumasok sa susunod na linggo
- Michelle Dee, tuloy ang adbokasiya sa pagtulong sa individuals with autism spectrum disorder o ASD
- Magpinsang 4-anyos, natagpuang patay sa loob ng kotse
- Mahigit 340 Pilipino mula sa Middle East, nakabalik na ng bansa
- Makatindig-balahibong experience ni Sofia Pablo sa set ng 'Huwag Kang Titingin,' nahulicam
- 2 Japanese na sangkot umano sa malaking int'l online scamming syndicate na nag-o-operate dito sa bansa, inaresto
- Benilde Blazers at Letran Lady Knights, kampeon sa Men at Women's Volleyball Finals
- Mahigit 600kg ng gulay, libreng ipinamigay sa mga driver ng jeepney at tricycle
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.