Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Diesel and gas price rollback, China fires multiple flares near Philippine Coast Guard aircraft, Pres. Marcos to roll out PUV service contracting program
Episode 290
Published 2 weeks, 2 days ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, April 09, 2026.
- Rollback na hanggang P8/L sa diesel at P4/L sa gas, posible ayon sa ilang oil industry sources
- Nasa 5,000 mangingisda, tumigil na sa pagpalaot; bangka, ibinibenta na ng ilan
- VP Duterte sa mahal na langis -- "Tanungin natin ang ating pangulo, ano ba ang ginagawa niya?"
- Pres. Marcos, tiniyak na ginagawa ng gobyerno ang lahat para maibsan ang hirap ng mga Pilipino
- 2 suspek, wanted din pala sa rentangay; mga sasakyang ginagamit pang-outing, puntirya
- China, ilang beses nagpaputok ng flare habang lumilipad ang PCG aircraft malapit sa Mischief at Subi Reef
- Mga pananim na gulay sa Atok, Benguet, nanganganib mabulok na lang dahil sa pagtitil sa pag-ani ng mga magsasaka
- Aabot sa 10-toneladang mangga sa Laoag, nabulok at itinapon na lang dahil 'di maibenta pa-Maynila
- Israel, nagsagawa ng matinding pag-atake sa Lebanon
- Mga isdang tamban, nagkamatayan na lang sa pampang dahil sobra-sobra ang huli ng mga mangingisda
- Lalaking pinagbantaan ang dating live-in partner na ikakalat ang pribadong video at larawan kung 'di makikipagbalikan, huli
- PBBM: Service Contracting Program para sa mga PUV sisimulan sa April 15; may diskwento din sa mga pasahero at fuel subsidy sa mga tsuper
- DILG Remulla: Atong Ang, nasa bansa pa rin
- Kapuso stars and personalities spotted sa 'Arirang' World Tour ng BTS sa Goyang, South Korea
- Libreng pampublikong swimming pool, binuksan sa ilang lugar sa Manila
- Watch seller, hinoldap at ninakawan matapos banggain ang sinasakyang SUV; 4 suspek, arestado
- Kamara, itutuloy ang pagdinig sa impeachment complaint vs. VP Duterte dahil walang TRO na inilabas ang SC
- Bagyong mino-monitor sa labas ng PAR, posibleng lumakas habang papalapit ng bansa
- Cooking oil, hinahalo ng isang engineer sa diesel para makatipid; babala ng eksperto, maaari itong makasira ng sasakyan
- Demolisyon, inalmahan ng mga residente; may nagbatuhan at nagtulakan
- Sofia Pablo, aminadong nasasaktan kapag bina-bash ang kanyang pagkatao
- Libreng bigas, meryenda atbp pagkain, ipinamahagi ng ilang good Samaritan sa mga driver
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.