Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Possible oil price rollback, Peso sinks further to new all-time low, Artists speak out against AI use in music
Episode 277
Published 4 weeks, 1 day ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, March 27, 2026.
- Driver, tinakasan ang gasolinahan matapos magpa-full tank ng mahigit P5,000
- Driver ng sasakyang hindi nagbayad ng kanyang pina-gas, tinutugis
- Presyo ng gasolina, posibleng may hanggang P2/l na rollback ayon sa source; pero may nagsasabi ring posible ang taas presyo ng hanggang P3/L
- Suplay ng langis ng PH, tatagal na hanggang June 30 ayon sa pangulo
- Ebidensya vs nagre-repack ng pekeng bakuna kontra rabies, kinalap para maaresto sila
- Maynilad, may balik-bayad sa ilang customer na naapektuhan ng water interruption noong Pebrero
- P60.55=$1 na palitan ngayong March 27, 2026, bagong all-time low
- 2 arestado dahil sa pananakit umano at sobra-sobrang interes sa pautang
- PITX — mga bus operator, nagbawas ng mga bibiyaheng unit dahil sa mahal ng gasolina
- NAIA1 at Manila North Port, maluwag maghapon
- Mga mahilig sa social media, makaka-relate sa horror twist ng "Huwag Kang Titingin"
- Mga abandonadong kable sa poste ng kuryente, pinagtatanggal ng Meralco
- Ramon Ang, muling inilutang ang alok na ibenta sa gobyerno ang Petron Philippines, ang kaisa-isang oil refiner ng bansa
- Camago-3, makatutulong sa suplay ng kuryente sa humigit-kumulang 1 milyong bahay — PCO
- PISTON, hihilinging ibalik ang naudlot na dagdag-pasahe
- Regalo ng Iran sa Amerika ang pagpapadaan nito sa 10 oil tanker sa Strait of Hormuz — US Pres. Trump
- Mainit pero mayroon pa ring tsansa ng ulan ngayong weekend — PAGASA
- Anton Vinzon, emosyonal sa first lead series niyang "Kamao;" pagsali ng amang si Roi Vinzon sa cast, dagdag-inspirasyon para sa kanya
- BRP Benguet ng PHL Navy, nilapitan at ginitgit ng barko ng China
- Pag-aaralan pa ang price freeze para may balanse sa lahat ng sektor — Palasyo
- Number coding, suspendido mula April 1 (12 noon) hanggang April 3
- Pinaikling mall hours, ipapatupad simula March 30
- Mga abugadong kaalyado ni VP Duterte, hiniling sa SC na pigilin ang pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment ng bise
- Ilang 'di nabigyan kahapon, naabutan na sa Day 2 ng payout pero may wala pa ring nakuha
- Tugon sa oil crisis, inaasahang matalakay ng PH at China sa Bilateral Consultation Mechanism
- Mga tawag na gumagamit ng AI, posibleng kumuha ng impormasyon para maloko kayo o mag-record ng boses para manloko ng iba
- Kita ng mga jeepney driver sa Maynila, sasagutin ng LGU para magbigay ng libreng sakay
- FILSCAP at ilang music artist, nanawagan sa tamang paggamit ng AI
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.