Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Oil price hike drives up food costs, Sen. Bato seeks use of Senate Mansion for family, Elias J TV to join ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’
Episode 263
Published 1 month, 1 week ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, March 13, 2026.
- Matadero, inireklamo matapos hampasin ng baseball bat ang 2 aso; nagdulot umano ng trauma sa anak ng may-ari
- Hinihinalang shabu na nasabat sa sumadsad na speedboat, umabot na sa 900KG
- 39 payout sites, tutukuyin ng DSWD para sa pamamahagi ng P5k sa mga tricycle driver sa Metro Manila
- 2 binaril at sinilaban sa loob ng sasakyan sa Nueva Ecija, nailibing na; hustisya, panawagan ng kanilang mga naulila
- Isa sa mga litratong nasa joint affidavit ng 18 'ex-marines', kuha noong panahon ni Ex-Pres. Duterte ayon sa Ombudsman
- Healthy co-parenting relationship nina Katrina Halili at Kris Lawrence, hinahangaan ng netizens
- Presyo ng bigas, tumaas na sa ilang pamilihan
- Panibagong all time low na halaga ng piso kontra dolyar
- Hiling na ipa-subpoena ang financial records at iba pa, patunay na walang sapat na ebidensya para isulong ang impeachment case ayon kay VP Duterte
- Ashley Sarmiento, natutunang mas mahalin ang pag-aartista
- Traffic violation na 'di niya ginawa, nailagay sa record ng isang motorista dahil sa encoding error
- PAGASA: Mararamdaman pa rin ang epekto ng amihan sa malaking bahagi ng bansa ngayong weekend
- Bedridden na lolo, pahirapang ibinyahe para makuha ang P3,000 ayuda; paglilinaw ng DSWD, inihahatid naman ang ayuda sa mga bedridden na beneficiary
- Suspek, nahulihan ng pekeng foreign currencies at US treasury bonds na nagkakalahaga ng mahigit $200M
- Manila Water at Maynilad, may dagdag-singil mula April-June
- Sen. Dela Rosa na absent sa Senado mula noong Nobyembre, hiniling na makitira ang kanyang pamilya sa Senate mansion sa Baguio; Hiling niya, tinanggihan
- Tila isang maliit na pulo, namataan sa bahagi ng Laguna de Bay; dala ng gumuhong lupa sa ginagawang coastal road ayon sa Binangonan Police
- Daan-daang pink na dikya, inanod sa dalampasigan ng Taytay, Palawan
- 'Amazing Earth' magbabalik simula March 14; Marami ring aabangan sa anniversary special ng 'Family Feud'
- Chartered flight para sa mga OFW na gusto nang umuwi ng Pilipinas, ikinasa ng gobyerno; Sabi ng DMW, masusundan pa ito
- Bahagyang pagluwag sa daloy ng trapiko sa ilang lansangan, ikinatuwa ng mga motorista
- Elias J TV, mapapanood sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.