Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: ICC allows ex-Pres. Duterte to skip confirmation of charges hearing, Aquino-Dee opposes talks on Marcos-Robredo alliance, Ashfall updates following Kanlaon Volcano’s eruption
Episode 242
Published 1 week, 4 days ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, February 20, 2026.
- Sanggol, natagpuang tinabunan ng lupa't mga tuyong dahon; nasawi rin kalaunan
- 8-anyos na nahulog sa ilog habang naglalaro, bangkay nang naiahon
- Usap-usapang Marcos-Robredo alliance, tinutulan ni Kiko Aquino-Dee at sinabing 'di ito makatutulong
- Nanay, iniwan sa tambak ng basura ang bagong silang niyang anak
- Motorsiklo ng delivery rider, tinangay ng isang lalaki; nagbenta niyan online, arestado
- Ilang kaanak ng EJK victims, ikinatuwa ang confirmation of charges kay ex-pres. Duterte sa Lunes
- Barbie Forteza sa pagiging solo on Valentine's — 'you really don't have to depend your happiness on anyone'
- 41 barangay sa Negros Occ., balot sa makapal na abo; mga residente, nangangamba sa kalusugan
- Liberal Party, wala pang tiyak na pambato sa Eleksyon 2028 pero naniniwalang dapat isa lang ang kandidato ng oposisyon
- Mga nasa likod ng smuggling ng sigarilyo, may protektor mula sa gobyerno ayon kay Sec. Remulla
- Kampo ni Sarah Discaya, nagbigay ng pahayag pero hindi direktang sinagot ang reklamong inihain ni Mayor Vico Sotto sa Comelec
- Kotse, nang-araro ng mga nakaparadang sasakyan; 2 sugatan
- ICC Pre-Trial Chamber I, pinayagan ang hiling ni ex-Pres. Duterte na 'di dumalo sa confirmation of charges hearing
- Ilang bahagi ng bansa, uulanin ngayong weekend
- Ex-Sen. Bong Revilla, naghain ng petition for bail sa Sandiganbayan para sa kasong malversation of public funds
- Ang saysay ng diwa ng 1986 revolution matapos ang 4 na dekada
- 12-anyos na babae na isang linggo nang nawawala, natagpuang pinugutan at nakatali sa puno; suspek na kamag-anak ng biktima, arestado
- 'Di bababa sa 7, nasawi sa magkahiwalay ng landslide sa Mindanao; ilang lugar, nalubog sa baha
- Taiwanese passport ng inarestong mastermind umano sa pagpatay sa isang Chinese na natagpuang chop-chop ang mga labi, peke
- Laban ni Alex Eala sa Dubai Tennis Championships, nagtapos sa Quarterfinals
- Mayor Robredo — malayo pa sa isip ko ang 2028; kahit sinong lumapit, prayoridad ko ang Naga
- 'Never Say Die' stars Jillian Ward at David Licauco, kwelang kumasa sa ilang Tiktok trends
- Hiling ng kampo ni ex-pres. Duterte na tanggalin ang 3 abogado ng mga biktima ng drug war, tinanggihan ng ICC Pre-Trial Chamber 1
- 4-taong gulang na bata, kinaaliwan sa kaniyang 'Big Guy' entry
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.