Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: VP Sara to run for president in 2028, Alex Eala’s win at Dubai Tennis Championships, Concerns over the use of AI tool 'Seedance 2.0'
Episode 240
Published 1 week, 4 days ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, February 18, 2026.
- VP Duterte, tatakbo sa pagkapangulo sa 2028
- Palasyo: 'Good luck' ang reaksyon ni Pres. Marcos sa anunsyo ni VP Duerte na tatakbo sa pagkapangulo
- Makabayan Bloc: Anunsyo ng VP na tatakbo siya sa pagkapangulo, taktika para pigilan ang impeachment
- Drum na may putol-putol na labi, pareho umano sa itinutulak ng tsino sa kuha ng Pasay condo CCTV
- Lalaking nagbebenta umano ng ilegal na baril, patay nang makipagbarilan sa mga pulis
- 750,000 sako ng bigas na ilang buwan nang nakaimbak, ipasusubasta
- Cast ng 'House of Lies' at iba pang Kapuso stars, nakisaya sa Hamaka Festival
- Magkapatid na 3-anyos at 7-buwang sanggol, ginilitan sa leeg ng kanilang ina; suspek, nagtangka ring magpakamatay
- Pulis na isinangkot sa pagpatay, na-frame up umano ayon sa misis nito
- Malamig na hangin, unti-unting mararamdanan dahil sa panibagong surge o bugso ng Hanging Amihan
- Wala pang lumulutang na pangalan ng pambato ang ibang partido politikal
- Sangkot umano sa pag-atake sa mga base ng militar at pulisya, inaresto
- Ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Duterte, inihain ng isang abugado
- Cast ng upcoming musical drama na "Born to Shine," nagpasaya sa mall show
- DOJ, hihintayin ang desisyon ng SC kaugnay ng legalidad ng pag-aresto kay ex-Pres. Duterte bago magkasa ng hakbang sa iba
- Mapang may 'West PH Sea' hinahanap ni Marcoleta; NAMRIA, ipinakita ang map na may West PH Sea
- SAICT Special Ops Group Head, inalis sa pwesto matapos parahin ang ambulansyang may sakay na magpapa-check up at hindi emergency case
- Broadcast journalist Jessica Soho, isa sa "People of the Year 2026" awardees ng People Asia Magazine
- Eala, tinalo ang world no. 8 na si Paolini sa score na 6-1, 7-6; aabante sa round of 16
- Kakayahan ng AI tool na 'Seedance 2.0' na lumikha ng tila makatotohanang pelikula, ikinabahala ng mga eksperto
- Grupong "League of Filipino Actors" o "Aktor PH, mariing kinondena ang maling paggamit sa teknolohiya gaya ng Artificial Intelligence o AI
- Sen. Go: Walang basehan ang alegasyon laban sa kanya kaugnay ng drug war
- Mga natenggang balikbayan box, ipinamahagi ng Customs
- BOC Comm. Nepomuceno, iginiit na delays at procedural issues ang karaniwang natatanggap na reklamo ng BOC at hindi mga padulas
- Maagang voter's education, panawagan ng CBCP
- Cassy Lavarias, grateful sa role bilang Gaiea sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'
- Defense team ni VP Duterte, sasagutin ang 4th impeachment complaint sa tamang oras alinsunod sa mga alituntunin at sa saligang batas
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.