Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Pres. Marcos rumored to have colon cancer, China imposes travel ban on PH officials, M/V Trisha Kerstin 3 sinking may be due to overcapacity
Episode 233
Published 2 weeks, 4 days ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, February 11, 2026.
- Overloading at overcapacity, lumabas na dahilan ng paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 base sa report ng PCG at MARINA
- Commander ng Regional Mobile Force Battalion 14B, itinurong nagbigay ng 'verbal instruction' sa mga nanakit
- Cellphone repairman na kumuha at nagpakalat umano ng pribadong video ng customer, arestado
- Hernandez at Mendoza, hiniling na 'wag gamiting ebidensya ang mga sinumpaang salaysay noong nag-a-apply pa sa WPP
- Case build-up ang rekomendasyon vs ex-Speaker Romualdez -- Sen. Lacson
- Rolls Royce Cullinan ng mag-asawang Discaya, naisubasta na
- Sang'gre Terra, piniling isakripisyo ang buhay para sa brilyante ng lupa at Encantadia
- Lalaki, arestado sa pamumuwersa at pananakot sa ex-gf; maseselang video at larawan, ikakalat umano sa internet
- Lalaki, pinagtulungang bugbugin matapos manuntok
- Albuera Mayor Espinosa, pinalaya dahil 'di sakop ng Cebu City RTC ang kaso
- Tig-P100,000 cash gift, naibigay na sa 4 na Aeta centenarians
- PBBM, ikinatuwa ang naging proseso ng Kamara sa pagbasura ng impeachment complaints laban sa kanya
- 16 Kalayaan LGU officials na nagdeklarang persona non grata sa Chinese Ambassador, bawal na sa Mainland China, Hong Kong, at Macau
- Pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa posible pa rin dahil sa shear line at Amihan
- DepEd at mga LGU, lumagda ng kasunduan para magtulungan sa pagtatayo ng mga classroom
- Sandiganbayan, tinanggihan ang hiling ni ex-Sen. Revilla na mag-inhibit si Assoc. Justice Miranda sa pagdinig ng kanyang malversation case
- Special Report - Red tape, pahirap sa mga mamamayang Pilipino ayon sa Anti-Red Tape Authority
- Rep. Tinio, binasa ang umano'y palitan ng mensahe ni PBBM at ex-Usec. Adrian Bersamin -- "Lumalabas na siya 'yung...bagman"
- 23-anyos na naglalakad sa gilid ng kalsada, patay nang mabangga ng humaharurot na SUV
- Palasyo, itinanggi ang ikinakalat ng ilan na may colon cancer ang pangulo
- Pagala-galang aso, patay nang paghahampasin ng senior citizen
- Vice President Sara Duterte, nakakuha ng pinakamataas na net satisfaction ratings sa apat na matataas na opisyal ng bansa, batay sa Social Weather Stations Survey
- Heart Evangelista, ikinuwento kung paano hinarap ang pinagdaanang challenges
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.