Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: New impeachment complaints vs. VP Duterte, Proliferation of online love scams, Filipino among prisoners of war in Ukraine
Episode 224
Published 1 month ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Lunes, February 2, 2026.
- Sinitang driver ng van na nag-counterflow, nadiskubreng kolorum at walang lisensya
- 2 motorista, nagsuntukan; nang-hamon umano, na-knock out
- 8 sugatan nang araruhin ng van-multicab habang nagkakasiyahan sa kalsada
- Rider, patay nang barilin ng riding-in-tandem; may nadamay pang 24-anyos na criminology student
- 2 impeachment complaint vs. VP Duterte, tinanggap ng House Office of the Sec-Gen
- Pulis at 7 iba pa, arestado matapos umanong dukutin ang isang delivery driver at tangayin ang truck nito
- PCG: Umabot na sa 42 ang kumpirmadong nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan
- Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, Kyline Alcantara at Buboy Villar, bibida sa upcoming action-drama series na "Task Force, Firewall"
- 5 babae, nasakote sa pagbebenta ng registered sim card na may verified e-wallet account
- Feb. 6, 2026 na pagtatapos ng one-year bar rule ayon sa 2025 SC decision, nabago ng bagong desisyon ng Korte Suprema ayon sa ilan
- DOJ, inaaral na ang reklamong kriminal ng SEC vs. ex-House Speaker Manny Villar, mga anak na Sens. Mark at Camille Villar atpb.
- Publiko, pinag-iingat laban sa mga karaniwang istilo para magpa-fall pero scam pala
- Nasa 12 iniimbestigahan nila, mahihinog na para maging kaso ayon kay Ombudsman Remulla
- Preliminary investigation sa plunder vs Estrada, Revilla at Bonoan, nagsimula na
- 2 reklamo laban kay Pres. Marcos, idineklarang "sufficient in form" ng House Committee on Justice
- Alias 'Totoy', itinangging hawak pa niya ang nawawalang film nina Dee, Ramos, at Panlilio
- LPA sa labas ng PAR, namataan; posibleng tumaas ang tsansa maging bagyo sa mga susunod na araw
- Pinoy na lumalaban umano para sa Russia, hinuli ng Ukrainian Armed Forces
- Trust rating ni PBBM, bumaba; tumaas naman ang kay VP Duterte — Octa Research
- David Licauco, goal-oriented this 2026; Jillian Ward, focus sa mastery ng talents
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.