Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Trump's statement on US takeover of Greenland, Pres. Marcos hospitalized, Russian vlogger arrested over HIV statements
Published 1 month, 1 week ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, January 22, 2026.
- Pres. Marcos, naospital kagabi dahil sa namagang bahagi ng large intestine; ok na at balik-trabaho
- Revilla at 6 akusado sa Pandi project, naka-dilaw sa blurred mugshots; DILG: Walang special treatment
- 2 pang reklamong impeachment vs Pres. Marcos, 'di tinanggap sa SecGen ng Kamara
- Malacañang, bukas sa pakikipagnegosasyon kay Zaldy Co pero ipauubaya ito sa Ombudsman
- DILG: Posibleng dumaan sa backdoor exit at nasa Southeast Asia lang si Atong Ang
- Presyo ng kada kilo ng imported regular milled rice, nagmahal; DA: Abot-kaya pa rin ang presyo ng bigas sa pangkalahatan
- MMDA GM Nicolas Torre III, giniit na 'di nag-file o nag-apply ng optional retirement sa PNP
- PBB ex-housemate Clifford, masayang sinorpresa ng kanyang Sparkle Family
- Enforcer at sinitang driver, nagsagutan dahil sa kupas nang solid yellow lane
- Bank Manager: Sunwest Inc., binayaran ng P176M para sa substandard project sa Oriental Mindoro
- Atong Ang, 'armed and dangerous' pa rin para sa DILG kahit isinuko ang 5 sa 6 baril niya ng abugado
- Pagtayo ng tent city sa Malilipot, minamadali dahil gagamitin na ng mga estudyante ang paaralan
- 2 Low Pressure Area, mino-monitor ng PAGASA
- Ethics complaint, binabalak isampa ni ex-Sen. Trillanes laban sa nagtatagong si Sen. Dela Rosa
- Mahigit 600 aftershocks naitala mula Martes; ilang residente, lumikas o natulog sa tabing kalsada
- Russian vlogger na nagbantang magkakalat ng HIV sa bansa, arestado at ipapa-deport
- Trump, 'di umano gagamit ng dahas para makuha ang Greenland na teritoryo ng Denmark
- Imbestigasyon ng DOJ sa mga reklamo vs Sen. Estrada at Sen. Villanueva, gumugulong
- Record-low na lamig ngayong Amihan season, naitala sa Metro Manila (6:30AM) at Baguio (4:50AM)
- Motorboat, nabutas at lumubog; 50 sakay, nailigtas
- Traffic sa PHL, pinakamalala sa Asya; 3rd sa mundo; Davao City, 12th sa mga lungsod; Manila, 40th
- Journalist-activist na si Cumpio at Domequil, hinatulang guilty sa terror financing; absuwelto sa illegal possession of firearms
- Caterpillar ride, nadiskaril; 3 sugatan
- Pamamaril sa kanya, na-video-han ng biktima
- 3 leading men na sina Raheel Bhyria, Jisoo, at David Licauco, inilarawan ni Jillian bilang katrabaho sa set
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.