Episode Details
Back to Episodes
Erice, bakit tinawag na ’heist’ ang unprogrammed appropriations | Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast
Description
CONG. EDGAR ERICE, BAKIT TINAWAG NA ‘BIGGEST, GRANDEST HEIST’ ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS SA 2026 BUDGET?
Kamakailan, pinirmahan na ni Pangulong Marcos ang 6.7 trillion pesos na National Budget para sa taong 2026. Ngunit ang ilang grupo at kongresista, umalma lalo na sa usapin ng unprogrammed appropriations na inuugnay sa korapsyon at pagkaantala ng ilang proyektong magbibigay serbisyo sana sa Pilipino.
Sa panayam ni Jessica Soho kay Rep. Edgar Erice, ibinunyag ni Erice ang kanyang mga nalalaman patungkol sa pagkakahati-hati ng 2026 National Budget.
Paano nga rin ba nakaapekto ang mga nagdaang anomalya sa gobyerno sa pagkaantala ng ilang proyekto sa bansa?