Episode Details
Back to Episodes
389: Sa Likod ng Balita w/ Lian Buan
Description
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si Lian Buan — investigative journalist ng Rappler, kilala sa kanyang matiyaga at matapang na pagbantay sa usapin ng hustisya, karapatang pantao, at pananagutan sa kapangyarihan.
Nagkwentuhan kami hindi lang tungkol sa balita, kundi tungkol sa tao sa likod ng byline: saan siya nagmula, paano siya napunta sa journalism, at paano niya hinaharap ang bigat ng trabaho sa isang panahon na sabay-sabay ang information, misinformation, at disinformation.
Pinag-usapan din namin kung paano dapat kumonsumo ng balita sa panahon ng social media, ano ang papel ng investigative journalism, paano makikilahok ang kabataan at ordinaryong mamamayan sa national discourse, at saan nga ba humuhugot ng pag-asa ang isang mamamahayag na araw-araw nakakasaksi ng mga problema sa sistema.
Isang kwentuhan tungkol sa katotohanan, konteksto, at paninindigan — na hindi kailangang maging mabigat para maging mahalaga.