Episode Details

Back to Episodes
24 Oras Podcast: Arrest warrant vs Atong Ang, 17 others, DOH: 'No superflu outbreak,' BTS Philippine concert in 2027

24 Oras Podcast: Arrest warrant vs Atong Ang, 17 others, DOH: 'No superflu outbreak,' BTS Philippine concert in 2027

Episode 205 Published 1 month, 2 weeks ago
Description

Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, January 14, 2026.


  • Atong Ang at 17 akusado sa pagkawala ng mga sabungero, ipinaaaresto ng Sta. Cruz, Laguna RTC
  • Mga ari-arian ni Atong Ang, sinusuyod ng PNP para isilbi ang mga arrest warrant
  • Mga nasawi, umakyat na sa 20; pahirapan ang paghahanap sa mga nawawala, pagtukoy sa mga labi
  • Pagbuga ng makapal na usok, rockfall at pag-agos ng uson sa Bulkang Mayon, nagpapatuloy pa rin
  • Aksyong legal vs Solar Phils. ni Leviste, tutukuyin ng SolGen at DOJ
  • Halaga ng Piso kontra Dolyar ngayong araw, sumadsad sa panibagong all time low
  • Dating pulis na umano'y pumatay sa isang bokal ng Bulacan at bodyguard nito, arestado
  • Mga sagabal sa kalsada at bangketa, hinatak at kinumpiska ng MMDA bilang paghahanda sa Pista ng Sto. Niño
  • DOH: Walang rason para magdeklara ng superflu outbreak; nagbabala sa tumataas na kaso ng tigdas
  • Sen. Lacson, titingnan ang impormasyong may koneksyon umano si Ex Speaker Romualdez sa mga Discaya sa pagbili ng property; Romualdez, itinanggi ito
  • Cong. Barzaga, inireklamo ng cyberlibel ng negosyanteng si Enrique Razon
  • Usec. Castro: Paanong magiging suppression ng freedom of speech ang pagre-report ng pananakot?
  • Ilang lugar sa bansa, isinailalim sa wind signal number 1 dahil sa unti-unting paglapit ng Bagyong Ada na ang unang bagyo ng taon
  • Pagtapon ng basura ng Cebu City sa isang pasilidad sa Consolacion, pinangangambahan ng ilang residente
  • Alden Richards at Nadine Lustre, bibida sa upcoming series na 'Love, Siargao'
  • Pinay tennis ace Alex Eala, natalo sa ikalawang pagkakataon si Paris Olympic silver medalist Donna Vekic
  • Atong Ang, bigong matagpuan ng NBI sa kanyang farm sa Lipa para silbihan ng arrest warrant
  • Mga magsisilbi ng arrest warrant, 'di agad pinapasok sa address ni Atong Ang sa Pasig
  • Hiling ng ilang kaanak ng mga nawawala: Maaresto si Ang at mapanagot lahat ng sangkot
  • Bahagi ng DPWH-CAR sa Baguio City, nasunog
  • BTS, magko-concert muli sa Pilipinas sa March 2027; inanunsyo rin ang kanilang upcoming album
  • DM na Christmas greeting, simula ng muling pag-iibigan nina Carla Abellana at Reginald Santos

Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Listen Now

Love PodBriefly?

If you like Podbriefly.com, please consider donating to support the ongoing development.

Support Us