Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Mayon Volcano eruption, Venezuela Pres. Maduro pleads not guilty, Alex Eala defeats Olympian Donna Vekic
Episode 197
Published 1 month, 3 weeks ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, January 6, 2026.
- Alert Level 3, itinaas nang maglabas ang Bulkang Mayon ng "uson" o halo-halong mainit na bato, lava at gas
- 2 patay at 6 sugatan matapos mang-araro at tumagilid sa mga bahay ang isang truck
- Lalaki, bangkay nang narekober sa Ilog Pasig; hinabol umano ng mga sakay ng isang kotse bago matagpuang patay
- Ruta ng traslacion, sinigurong walang sagabal para ligtas na makadaan ang andas at mga deboto
- 4 na nakaparadang delivery truck, natupok kasunod ng pagsabog
- Palasyo sa pangako ng pangulo na may makukulong bago mag-Pasko—Walang binanggit na pangalan, may mga nakulong at naisyuhan ng arrest warrants
- Lalaki, inaresto matapos i-blackmail umano ang kanyang 17 anyos na ex-gf gamit ang pribadong video
- "Oversight" team ng mga senador at kongresista, bubuuin para tutukan ang ginagastusan ng gobyerno
- Ilalim ng basketball court, nilagyan ng imbakan na dadaluyan ng tubig-ulan para hindi bumaha
- Aksyon ng pangulo sa unprogrammed appropriations, hindi sapat ayon sa ilang business group
- Hanging bridge, nasira ng rumaragasang ilog
- Asahan ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa umiiral na 4 na weather system—PAGASA
- Driver na sangkot sa road rage at gumamit ng pekeng ambulansya, binawian ng lisensya
- Lalaki, arestado matapos i-blackmail ang ex; misis niya at anak, kasama sa idedemanda
- Andas na gagamitin sa traslacion, may ilang pagbabago
- Mahigit 80,000 stuffed toys, inihagis pagtatapos ng hockey match sa U.S.
- Anton Vinzon, masayang sinalubong ng Sparkle family sa pagbabalik sa outside world
- Nagsakay sa bus ng storage box na may laman palang bangkay, na-trace dahil sa bar code na naiwan sa loob
- Melanie Marquez, ibinahagi ang umano'y pang-aabuso sa kanya ng asawang si Randy "Adam" Lawyer
- Alex Eala, nanalo vs. Olympian Donna Vekic sa women's singles; uusad sa round of 16
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.