Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Pres. Marcos’ low trust rating, Online selling of illegal firecrackers, Stroke patients during the holidays
Episode 190
Published 2 months ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, December 30, 2025.
- 2 nagbebenta umano online ng mga ilegal na paputok, arestado
- 5 lalaki, nakitang unang gumamit at nag-iwan ng paputok na pinulot at ikinasawi ng isang bata
- Mga namimili ng paputok, binibilinan na maging maingat sa pagdadala at pagbiyahe ng mga ito para iwas-aksidente
- Pinagtagpi-tagping maliliit na basyo ng inumin, nabistong improvised boga na gawa ng mga bata
- Palasyo: Mababang trust rating ni PBBM, 'di makakaapekto sa trabaho ng pangulo
- Van driver, sinita dahil sa paggamit ng improvised na plaka; wala ring OR/CR at 'di tugma ang conduction sticker
- Rep. Leviste: May tig-P2M ang ilang kongresista; Rep. Puno: dagdag-pondo ito para sa gastusing pampasko sa distrito tulad ng Christmas party
- Dustin Yu at Bianca De Vera, proud at na-appreciate ang pa-block screening ng DustBia fans sa 'Love You so Bad'
- 3 stroke patients kada araw, isinusugod sa Tondo Medical Center ngayong holiday season
- Mga bilog na prutas sa Divisoria at Binondo, in-demand na bago ang bisperas ng bagong taon
- 23 bagyo, pumasok sa PAR; Bagyong Tino at Uwan, kabilang sa mga pinakamapaminsala
- Kyline Alcantara, may hosting stint at dance number sa "Kapuso Countdown to 2026"
- Bentahan ng lechon sa La Loma, mas mahina kumpara noong 2024 ayon sa mga lechonero
- Cast ng 'The Secrets of Hotel 88', goal maging mas healthy at mag-focus sa growth sa 2026
- 5 lalaking persons of interest sa pagkasawi ng batang nasabugan sa Tondo, pinagpapaliwanag
- Sanggol na tinangay ng nagpanggap na nurse, naibalik na sa mga magulang
- P25,000 ipon, nagkasira-sira dahil sa anay
- Rep. Ridon: Puwedeng maharap sa ethics complaint si Rep. Leviste dahil sa paraan ng pagkuha niya ng dokumento sa opisina ni Cabral
- Ilang pananim sa Benguet, balot pa rin ng yelo; 9.6°C, naitala sa La Trinidad kaninang umaga
- Ilang lugar sa bansa, may tyansang makaranas ng pag-ulan sa bisperas ng bagong taon
- Song and dance numbers ng sparkle stars, aabangan bukas sa "Kapuso Countdown to 2026"
- Philippine Psychiatric Association, nagpahayag ng pag-aalala sa mga pahayag na iniuugnay ang paggamit ng antidepressant sa pagtaas ng suicidal thoughts o behavior nang walang berepikadong medical evidence
- 6 biktima ng paputok, nagpapagaling sa East Avenue Medical Center
- Kilusang Bayan Kontra Kurakot, nag-protesta ngayong Rizal Day
- Ilang bahay sa Brgy. Guadalupe Nuevo sa Makati City, natupok
- Ilang Kapuso at Sparkle stars, in-enjoy ang holiday season sa beach
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.