Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Zaldy Co’s passport canceled, DENR files case vs Monterrazas de Cebu, PH first SEA Games 2025 gold medal
Episode 170
Published 2 months, 2 weeks ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, December 10, 2025.
- PHL passport ni ex-Rep. Zaldy Co, kanselado na ayon kay PBBM
- DFA: Pagkansela sa PHL passport ni Zaldy Co, pinroseso 5PM ngayong araw (Dec. 10)
- Reklamo vs. Gretchen Barretto at 10 iba pa, ibinasura ng DOJ panel of prosecutors
- May mga 'di pa naisama sa kakasuhan ayon sa 'Justice for Missing Sabungero Network'
- Banyagang nag-snorkeling, nalunod; may indikasyong pinulikat umano
- Ex-Sen. Revilla, naghain ng kontra-salaysay sa alegasyong tumanggap siya ng kickback
- 2 bahay, tinangay ng rumaragasang baha
- Sarah Discaya, nag-overnight sa NBI matapos kusang-loob sumuko kahit wala pang warrant
- Kalbaryo ng hebigat na trapiko, iniibsan ng mga diskarte ng ilang motorista at commuter
- Rep. Paolo Duterte, humiling ng travel clearance para makapunta sa 17 bansa sa loob ng mahigit dalawang buwan
- Pakikiisa ng "Sanggang Dikit FR" cast at ilang Sparkle stars sa Irok Festival, napuno ng kultura at saya
- Pagbibigay-prayoridad ni PBBM sa Independent People's Commission Act, ikinatuwa ng ICI chair
- Kauna-unahang agricultural machinery manufacturing complex, itatayo sa Nueva Ecija
- Will Ashley, abala sa 2 MMFF films kabilang ang 'Love You So Bad' w/ Dustin Yu and Bianca De Vera
- Chinese, inakusahang nagsinungaling kaugnay ng karneng nakuha sa kawit noong 2024; giit niya: Wala siyang kilala sa gobyerno
- 2 African na nambiktima at nakatangay umano ng hanggang P10M sa isang Koreanong negosyante, arestado
- Justin Kobe Macario, nasungkit ang unang gold medal para sa Pilipinas
- Bilang ng mga unemployed o walang trabaho nitong Oktubre, dumami ayon sa Philippine Statistics Authority
- 4 grand finalists ng 'The Voice Kids' ipinakilala na; coaches, very proud sa kanilang mga pambato
- Aso, patay nang ilang beses hatawin ng lalaking inihian umano nito; suspek, sinampahan ng kaso
- 7 pulis, sinibak nang palabasing 'di nila hawak ang isang ama; namatay ang anak nito sa kakahanap sa kanya habang baha kaya nagka-leptospirosis
- May-ari ng kontrobersyal na Monterrazas de Cebu, sinampahan ng kaso ng DENR dahil sa iligal na pagputol ng mga puno
- Maulang panahon, magpapatuloy sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Amihan at Shear Line
- Apela ng kampo ni Ex-pres. Duterte na kumwestiyon sa ICC jurisdiction, pinababasura ng prosecutor
- Malaking pondo ang 'di nagamit dahil na-delay ng pandemya ang flood management project; nahahabol na ito at nasa 'wrapping up stage'
- DENR sa solar farms: Mahalagang malaman kung nagputol nga ng puno at nagpatag ng lupa sa bundok
- Aerial at pyromusical show, kinaaliwan sa Paskuhan Festival 2025 sa Pagadian City
- All-time low Peso-Dollar exchange rate na naitala kahapon, tatalakayin bukas ng BSP at Economic Team
- David Licauco, aminadong miss ang bestie niyang si Dustin Yu
- Thea Tolentino, bibida sa upcoming episode ng 'Magpakailanman;' Ashley ORtega, may new look para sa seryeng 'Apoy sa Dugo'
- Mga alagang hayop, paandar sa kanilang Christmas "pawrty"
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.