Episode Details

Back to Episodes
24 Oras Podcast: Kidnapping w/ homicide case vs Atong Ang and others, Sarah Discaya surrenders to NBI, 2025 SEA Games

24 Oras Podcast: Kidnapping w/ homicide case vs Atong Ang and others, Sarah Discaya surrenders to NBI, 2025 SEA Games

Episode 169 Published 2 months, 3 weeks ago
Description

Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, December 9, 2025.


  • Sarah Discaya, sumuko sa NBI kasunod ng anunsyong ipaaaresto siya ngayong linggo
  • Sarah Discaya, sumuko bago pa isyuhan ng warrant; 8 DPWH officials, gusto ring sumuko ayon kay PBBM
  • Lalaking kalalaya lang, nang-hostage ng kanyang partner at mga anak
  • 5 pulis, nanloob sa isang bahay; P14M cash ng pamilya, tinangay
  • Anti-dynasty Bill at reporma sa party-list, kabilang sa mga panukalang batas na tinukoy ni Pres. Marcos na gawing prayoridad
  • Due process mula sa gobyerno, panawagan ni Sen. Dela Rosa
  • Kelvin Miranda at Legaspi Family, ibinahagi ang favorite nilang noche buena dishes; naniniwalang deserve ng mga Pinoy ng espesyal na pagsasaluhan sa Pasko
  • Magkapatid na naaktuhang nagpapagawa ng mahahalay sa mga bata para pagkakitaan online, inaresto
  • Ilang dumating sa NAIA Terminal 1 kagabi, sinalubong ng mahabang pila sa immigration counters
  • MMDA at ilang LGU, pinagpulungan ang traffic management sa Marcos Highway
  • Will, Dustin, at Bianca, thankful sa opportunity na bumida sa pelikula; iba pang cast, ipinakilala rin
  • Pagpuputol ng mga puno para sa phase 2 ng solar power project, tinutulan ng mga residente
  • Dec.15, sariling deadline ng Ombudsman sa pagpapakulong ng mga mambabatas na sangkot; bumubuo ng database para labanan ang korupsyon
  • Halaga ng Piso kontra Dolyar ngayong araw, naitalang panibagong all-time low
  • Limang araw na wellness leave para sa mga empleyado ng gobyerno, inaprubahan ng CSC
  • P0.3557 na bawas-singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco ngayong buwan
  • Mabigat na traffic, idinaan ng ilan sa meme at biro; may handang dumiskarte kung maihi, magutom, mainip
  • Low Pressure Area na dating Bagyong Wilma, tuluyan nang wala; maulang panahon magpapatuloy sa ilang bahagi ng bansa
  • Atong Ang at 21 iba pa, inirekomendang kasuhan ng DOJ ng 10 counts ng kidnapping with homicide
  • P6.793T panukalang budget, aprubado na sa Senado at isasalang sa BiCam sa Dec. 11
  • Pondo ng MMDA noong 2024 para tugunan ang baha at traffic, 'di lubusang nagamit ayon sa COA
  • Tila umiinom sa gitna ng pagmamaneho, pinadalhan na ng show cause order ng LTO
  • 3-day transport strike ng Manibela, nagsimula na
  • 2025 SEA Games opening ceremony, gaganapin ngayong gabi sa Bangkok, Thailand
  • San Beda Red Lions at Letran Knights, maghaharap sa finals ng men's basketball
  • AZ Martinez, Vince Maristela, at Kira Balinger, nagpasaya at namigay ng regalo sa mga batang may cancer

Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Listen Now

Love PodBriefly?

If you like Podbriefly.com, please consider donating to support the ongoing development.

Support Us