Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Tropical Depression Verbena, Chinese nationals allegedly involved in love scam, Miss Universe third runner up Ahtisa Manalo
Episode 155
Published 3 months ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, November 25, 2025.
- 3 patay, 3 sugatan nang mawalan ng preno ang truck at nang-araro ng iba pang mga sasakyan
- Zaldy Co, personal umanong nakausap si Pres. Marcos; 'Diretsahan niyang sinabi, wag mo akong pigilan sa insertions ko'
- Mahigit 100 pamilya sa Carcar City, apektado ng malawakang baha
- Rep. Arjo Atayde at Rep. Dean Asistio, humarap sa ICI at itinangging nanghingi ng kickback sa mga Discaya
- Rep. Tiangco, sinabing nalaman ni PBBM ang tungkol sa budget insertions kaya pinigilan ang mga pondong na-flag ng ehekutibo bilang kaduda-duda
- Mga reporma sa edukasyon, pabibilisin at patitibayin ng inaprubahan ng Senado na P1.044T 2026 DepEd budget
- Mel Tiango, muling binalikan ang mga 'di malilimutang kwento ng drama anthology na 'Magpakailanman' kasabay ng 23rd anniversary ng show
- DOJ, nag-alok ng P1M na pabuya sa makakapagturo sa kinaroroonan ni Cassandra Li Ong
- Bagyong Verbena, patuloy ang pagkilos palapit sa Palawan matapos mag-landfall nang ilang beses sa Visayas
- Pagbabalik-Pinas ni Miss Universe 3rd runner up Ahtisa Manalo, mainit na sinalubong ng Pinoy fans
- Lampas taong baha, naranasan sa ilang bahagi ng Bacolod; may mga bahay na tinangay ng tubig
- 3 Chinese national na sangkot sa umano'y love scam, arestado
- Net worth ni COA Commissioner Lipana, umakyat ng mahigit 120% mula 2022-2024; may 2024 net worth na mahigit P26M
- GMA Network, ginawaran ng Gold Award sa Disaster Response & Emergency Relief Category
- VP Duterte: Ang pirma ng pangulo sa GAA ang ebidensya na sangkot siya sa budget insertions
- Usec. Cadiz, 'di kasama sa mga nag-iimbestiga sa mga maanomalyang proyekto ayon sa DOJ
- Paglobo ng pondo ng AICS tuwing may eleksyon tulad ngayong 2025, pinuna ni Sen. Lacson
- Karl Eldrew Yulo, wagi ng 2 bronze sa 2025 Artistic Gymnastics Junior World Championships
- Ilan pang piraso ng mga buto, narekober ulit sa Taal Lake
- Mga bahay, natabunan ng gumuhong lupa sa Jabonga, Agusan Del Norte
- Unang pagkikita nina Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao sa premiere ng KMJS' Gabi ng Lagim The Movie, kinakiligan
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.