Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Uwan in PAR again, Peso-Dollar exchange hits new record low, Taal Volcano phreatomagmatic eruption
Episode 142
Published 3 months, 2 weeks ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, November 12, 2025.
- Nanay, huli sa pagbebenta ng anak niyang sanggol sa halagang P25,000
- Lalaki, patay matapos hatawin ng pamalo at saksakin; 1 sa 2 suspek, arestado
- Mga trosong inanod at sumira sa mga bahay, isinisi ng vice governor sa illegal logging
- Piso kontra Dolyar, muling sumadsad ang halaga ngayong araw
- Mga nawalan ng bahay dahil sa daluyong, naghanap ng maisasalba, nanawagan ng tulong
- 24 lokal na opisyal na nag-abroad mula Nov. 9-15, iniimbestigahan ng DILG
- Araw-araw na paglilinis at pagpapalalim sa 120 waterway, iniutos na gawin sa loob ng 9 buwan
- Jak Roberto, focus sa self-care and wellness; kasamang mag-workout si Sanya Lopez
- 3-minutong minor phreatomagmatic eruption, naitala sa main crater ng Bulkang Taal
- Bagyong Uwan, nasa loob ulit ng PAR; PAGASA: Walang inaasahang epekto ang bagyo sa halos buong bansa
- Sparkle stars, abala na sa rehearsals ng "Sparkle Trenta: The 30th Anniversary Concert" this weekend
- 4 arestado dahil sa pag-aalok ng pekeng notaryo; pwesto nila, nasa labas lang ng isang gov't office
- Pagkasira ng Pangasinan-Nueva Vizcaya Road, pahirap sa mga residente
- Speaker Dy, ipinunto ang pagbabawal ng Konstitusyon sa political dynasty kahit siya mismo ay may mga kaanak na pulitiko
- PNP, tiniyak na ang napatay na pulis ang tinutugis na nangholdap sa convenience store
- Batad Rice Terraces, nasira dahil sa landslide
- Pumping station sa Cainta, ninakawan bisperas ng pananalasa ng Bagyong Uwan; 4 sa 6 suspek, arestado
- Sen. Dela Rosa, wala uli sa sesyon ng Senado; 'di alam ng Minority Bloc kung nasaan siya
- High-end residential project sa burol sa Cebu, iimbestigahan ng binuong team ng DENR
- Giant Christmas tree, animated display, at bazaar, tampok sa Quezon City Hall
- Halos 700 na bahay ang tuluyang nasira sa Aurora
- Deputy Speaker Puno atbp, naghain ng panukala para sa Con-Con na aamyenda sa Konstitusyon
- Magkapatid Sang'gre Terra at Gaiea, nagkita na; iba pang eksena ni Gaiea, dapat abangan ayon kay Cassy Lavarias
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.