Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Typhoon Tino death toll rises, Zaldy Co unlikely to return to PH, Alden Richards’ 15th anniversary in showbiz
Episode 135
Published 3 months, 3 weeks ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, November 5, 2025.
- Mandaue City, binaha nang lampas-tao; maraming sasakyan ang inanod at nasira
- 'Di bababa sa 76 ang patay sa buong probinsya ng Cebu; marami ang wasak na bahay at mga sasakyang inanod
- OCD: Umabot na sa 66 ang naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino
- Gov. Baricuatro: 'Flooded to the max' ang Cebu sa kabila ng P26B halaga ng mga proyekto kontra-baha
- Paaralan, ospital, kumbento, atbp., binayo ng bagyo; rescuer na tutulong sa mga binaha, muntik malunod
- Zaldy Co, takot mabaril sa gitna ng mga banta kaya malabong umuwi ayon sa kanyang abogado
- Masamang panahon, kabilang sa mga iniimbestigahang posibleng sanhi ng pagbagsak ng Super Huey helicopter
- Nagbebenta umano ng mga chop-chop na motorsiklo kapalit ng shabu, arestado
- Pagpapanagot sa mga sangkot at pagsasapubliko ng pagdinig ng ICI, hiling ng Grupong SIKLAB
- Bagyong Tino, papalayo na; paghahanda, nagpapatuloy dahil sa paparating bagong bagyo
- Ina ni Emman Atienza na si Felicia, emosyonal na inalala ang kanyang anak sa eulogy
- Proyektong bumigay matapos lang ang 8 buwan, isa sa mga ininspeksyon ng DPWH at ICI sa Davao City
- Wala pang napapakulong 100 araw matapos balaan ni Pres. Marcos ang mga tiwali
- Relief goods para sa mga binagyo sa Cebu, Southern Leyte, at Eastern Samar, inihahanda na ng GMAKF
- Makapal na putik at naglalakihang bato, galing sa Mt. Kanlaon ayon sa mga awtoridad
- Alaherong bibili ng ginto sa nakilala online, hinoldap ng mga lalaking nagpanggap na pulis; katransaksyon, arestado
- Rep. Santos: Nakikinabang ang ari-arian ng mga Villar sa River Drive Project
- Mga bahay malapit sa Mananga Bridge, na-wash out; mga residente, napaiyak dahil wala nang uuwian
- Bilang ng nasawi sa Brgy. Cotcot sa Liloan, umabot na sa 35; pawang mga inanod ng baha
- Alden Richards, may fan meeting sa Sta. Rosa para sa kanyang 15th showbiz anniversary
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.