Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: PH peso hits record low against US dollar, PH slams China’s nature reserve claim on Bajo de Masinloc, Tipo-tipo, Basilan conflict
Episode 127
Published 4 months ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, October 28, 2025.
- 2 bata, hinostage at sinaksak ng kanilang ama; suspek at isa niyang anak, patay
- 70-anyos na kasambahay, pinagpapalo ng electric grinder ng kilalang may hinanakit
- 7,000 lumikas dahil sa barilang nag-ugat sa pagpatay umano sa kaanak ng isang angkan
- BSP: Paghina ng piso, posibleng sumasalamin sa pag-aalala ng merkado sa paghina ng ekonomiya dahil sa anomalya sa flood control projects
- Ilang sasakyan, hinatak at tiniketan; mga harang sa bangketa, kinumpiska
- F2F classes sa isang unibersidad, halos 2 linggo nang suspendido dahil sa dami ng mga may sakit
- Intense scenes at plot twists dapat abangan sa pagtatapos ng 'Akusada'
- Gang leader na sangkot sa pagpasok at pananakit sa isang bahay sa Pasig, arestado
- Hagonoy Public Cemetery, ilang taon nang baha kahit may 43 flood control projects sa bayan
- China Navy Ship, bumuntot sa BRP Emilio Jacinto; 4 CCG vessels, nakasunod sa BRP Cape San Agustin
- Kris Bernal, makakasama sa kaniyang comeback series na 'House of Lies' sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, at Martin Del Rosario
- 2 patay at 1 kritikal sa salpukan ng SUV at AUV
- Mga puntod na sinira ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, pinaplano nang ayusin ng mga dalaw bago ang Undas
- Zaldy Co, pinahaharap sa ICI sa Nov. 11 at 12
- Low Pressure Area malapit sa Palawan, nawala na; 3 weather systems, makakaapekto sa bansa at posibleng magdulot ng pag-ulan
- National Maritime Council: Kaipokritohan ang deklarasyon ng China na "nature reserve" ang Bajo De Masinloc dahil kinalbo nila ito
- Sen. Lacson: May 'di taga-DPWH na nagme-memo kay ex-DPWH Sec. Bonoan para mag-endorso ng proyekto
- Gold, nakuha ni Yulo sa pamamagitan ng halos perfect execution sa mahirap na 'piked dragulescu'
- Captive breeding ng 2 Palawan hornbill ng Katala Foundation, Inc., tagumpay
- Chairmanship ng ASEAN, inilipat sa Pilipinas kasabay ng closing ceremonies ng pagtitipon
- 24 pulis, kinasuhan ng NAPOLCOM
- Ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates, nagbalik-tanaw sa naging journey sa loob ng Bahay ni Kuya
- Sen. Mark Villar, nagdeklara ng P1.26B na net worth, pinakamalaki sa 19 na senador na naglabas na ng kanilang SALN
- PBBM: Kailangan ng Pilipinas ang tulong ng mga kapwa-ASEAN leader kaugnay ng tensyon sa WPS
- DENR: Hindi flood-control project ang ilan sa mga binanggit ng Department of Environment and Natural Resources sa Senado na nagdulot ng mga pagbaha
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.