Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Pres. Marcos Jr. on Xi-Trump meeting, Fake branded items from Bangladesh, ‘Six-seven’ named word of the year
Episode 129
Published 4 months ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, October 30, 2025.
- Peak o pinakamaraming bilang ng pasahero, inaasahan ngayon sa PITX; sapat pa ang biyahe
- Container van na sakay ng 10-wheeler, nahulog at tumagilid
- Problema sa Batangas Port: Kulang ang mga barko at natatagalang makabalik
- Siklistang wala sa tamang linya, napikon kaya nakipagsuntukan sa driver na nang busina at nagmura umano
- Subasta sa 7 luxury vehicle ng mga Discaya sa Nov. 15, 'di nila pinalagan; 6 na iba pa, ayaw nilang pakawalan
- PBBM sa pulong nina Trump at Xi—Malaki ang impluwensiya nito sa takbo ng APEC Summit
- Panawagan ng mga kaanak ng mga nawawala sa kanilang vigil—Panagutin ang mga sangkot
- Mga puntod ng mga personalidad tulad Nora Aunor at FPJ, may mga maagang bumisita
- CCTV footage ng mga nangyari bago mag-amok at mamaril ang suspek, hawak na ng pulisya
- Mabigat na daloy ng trapiko, asahan ng mga dadaan sa NLEX
- Bagong Low Pressure Area, nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility
- Sofia Pablo at Allen Ansay, ibinahagi ang spooky experiences sa shooting ng 'Huwag Kang Titingin'
- Empleyado ng BIR-Novaliches, sinungitan umano ang babaeng nagpapagawa ng TIN I.D.
- Mahigpit na seguridad, ipinatutupad sa NAIA; bulto ng mga pasahero, inaasahan bukas
- Mahigit 30,000, inaasahang dadalaw sa Baguio Public Cemetery hanggang weekend
- Ilang farm-to-market road na idineklarang tapos na, nadiskubreng 'di pa rin tapos o minadaling gawin
- Trapik sa Skyway, SLEX, Star Tollway at TPLEX, nagsisimula nang bumigat
- CCTV camera sa entrance ng Manila North Cemetery, nasunog
- Ilang bahagi ng bakod ng mga nitso, nabistong ninakaw ng 3 menor de edad
- Kapuso stars, nag-flex ng kani-kanilang scary at stylish Halloween looks
- Idineklarang shipment ng medyas, nabistong P400M halaga ng mga pekeng branded na damit
- Bahay ni Co sa Pasig, ginagamit lang umanong imbakan o taguan ng pera ayon kay Alcantara
- Pagtatayo ng kunwaring 'haunted house,' 10 taon nang tradisyon sa Brgy. 78 sa Caloocan
- Waste dam ng isang minahan, gumuho; ilog, nabalot ng mabahong putik
- 67 O "Six-Seven" ang word of the year ng Dictionary.com; uso ito sa Gen Alpha at depende sa konteksto ang ibig sabihin
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.