Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: South Korean nationals arrested in Cebu, 'Ghost' super health centers, Vice Ganda and Ogie Alcasid in Bubble Gang Anniversary
Episode 115
Published 10 months ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, October 16, 2025.
- Ombudsman: Pinoprotektahan ng mga Discaya si Sen. Go, may joint venture ang mga pamilya nila
- Sen. Go sa alegasyong pinoprotektahan siya ng mga Discaya: 'Wag tayong lumihis at panagutin ang dapat managot
- VP Duterte, may hinalang iuugnay sila ni Ex-Pres. Duterte sa flood control controversy kasunod ng imbestigasyon sa kumpanya ng pamilya ni Sen. Go
- Palasyo, sinabing kumpiyansa ang isang tao kung ang ginagawa ay 'di para sa pansariling interes
- Rehabilitasyon sa tulay sa Laur, Nueva Ecija, ipinagpaliban ng DPWH sa Nobyembre matapos tutulan ng mga residente
- Nakaparadang SUV, sinilaban ng 'di pa nakikilalang salarin
- DOH, kinuwestyon kung bakit kabubukas lang ang center na July 2024 pa natapos; LGU: Hinanapan pa ito ng staff
- Driver ng pickup na naka-diplomatic plate, tinutugis matapos takasan ang binanggang rider na may angkas na bata
- Mga negosyong may kinalaman sa turismo, umaapela ng tulong dahil sa matumal na kita mula nang lumindol
- Mga suspek na sumugod sa bahay at nanakit, sinampahan na ng reklamo; pakay ang 13-anyos umanong nobya ng 30-anyos na suspek
- Rep. Leviste: Ilang appointee sa DPWH, contractor o may koneksyon sa contractor ayon sa kanyang source
- Magnitude 4.7 na lindol, yumanig sa Zambales; naramdaman din sa Tarlac at Bataan
- Pagbawi sa perang ninakaw sa maanomalyang flood control projects, pinag-uusapan na ng ICI
- Guro, binaril ng mister sa paaralan
- Bahagi ng A. Bonifacio St., may palatandaang dinadaanan ito ng West Valley Fault
- Low Pressure Area sa Philippine Area of Responsibility, posible nang maging bagyo anumang oras ngayon
- Ogie Alcasid, Vice Ganda, atbp., mapapanood sa part 2 ng anniversary special ng 'Bubble Gang'
- Sec. Remulla: May P500M insertion sa intel funds ng PNP ngayong 2025; pondo, isinauli sa Office of the President
- Pamamahagi ng P3,000 e-voucher na pambili ng pagkain kada buwan, pinalawig
- Ruru Madrid, abala sa pagsasanay ng Pinoy Martial Arts na 'Laraw Kali Pamuok'
- Luxury car na sinita dahil walang plaka, galing sa importer kung saan binili ang mga sasakyan ng mga Discaya
- 3 Koreanong wanted sa kanilang bansa dahil sa loan fraud scheme, arestado
- Namataang istruktura sa Bajo De Masinloc, lumabas na AFP ang nagtayo noong 1990s
- 'My Father's Wife' cast, nakisaya sa Coramblan Fest; tinikman din ang mga lutong Alaminos
- Ex-PNP Chief Acorda, itinalagang bagong Executive Director ng PAOCC
- Asong nahulog sa sink hole, buwis-buhay na sinagip ng ilang residente
- Pokwang, iginiit na 'di siya nag-eendorso ng sugal gaya nang gustong palabasin sa deepfake video
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.