Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Davao earthquake, China vessels clash with Philippine ships, President Marcos visits Davao
Episode 112
Published 4 months, 2 weeks ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Lunes, October 13, 2025.
- Manay Nat'l H.S. na may 1,300 estudyante, nasira nang yumanig ang m7.4 na lindol
- Face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa Metro Manila, 2 araw suspendido
- Lahat ng face-to face-classes sa Laguna, suspendido mula Oct. 14-31
- P0.2331/kWh na dagdag-singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco ngayong Oktubre
- 1 barko ng BFAR, binangga ng China Coast Guard; 2 Phl ship, binomba ng tubig ng Chinese ships
- Zaldy Co, ipapa-cite in contempt ng ICI sa Korte kung 'di sumipot bukas para maaresto
- Reklamo ng Manibela: ginigipit kami ng DOTR-SAICT; SAICT: Colorum ang hinuli, ginagawa lang ang mandato
- Vince Maristela, enjoy sa fan meet kasama ang 'Vincies'
- Kalsada sa harap ng Hagnaya Integrated School, nauka nang yumanig ang m5.8 na aftershock
- DOJ: Tell-all affidavit ng mag-asawang Discaya, 'di kailangang hintayin sa paghahain ng reklamo
- Rep. Barzaga, isa sa namuno sa protesta sa labas ng isang exclusive subdivision
- DOTR Usec. Alfonso, 'di sumipot sa LTO; humarap na driver niya, binawian ng lisensya
- PCG: Panghaharass, nangyari sa PHL territory; pinakamalapit na distansya sa Pag-asa Island
- Ashley Ortega, mapapanood soon sa 'Sanggang Dikit FR'
- Burol at libing, sasagutin ng gobyerno kung mahirap ang pumanaw o biktima ng kalamidad
- Pres. Marcos, namahagi ng tulong sa Davao Oriental
- Isang Low Pressure Area, binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility
- Panukalang P6.793T nat'l budget, inaprubahang may unprogrammed appropriations at OVP budget cut
- "Green Bones" at Dennis Trillo, kinilala sa Gawad Urian at Parangal ng Bayaning Pilipino
- Mga kaso kaugnay sa Pharmally scandal na 'di pa na-a-arraign, pinabubuksan ng Ombudsman
- Tila pundasyon sa ilalim ng tubig na namataan sa Bajo de Masinloc; iimbestigahan ng PCG
- Lisensya ng driver na pinagmaniobra ng manibela ang kandong na bata, sinuspinde ng 90 araw
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.