Episode Details
Back to Episodes
150: LUALHATI BAUTISTA - Kamalayang panlipunan mula Dekada '70 hanggang panahon ng pandemya
Season 2
Episode 150
Published 4 years, 3 months ago
Description
Sa ika-150 episode ng The Linya-Linya Show, ang makakasama natin: Isang premyadong nobelista, isang makata, isang icon sa Panitikang Pilipino, na isa ring mapagmahal na ina at lola, at kaibigan, si Ma’am Lualhati Bautista. BOOM!
Mula sa kanyang mga alagang pusa, sa dahilan ng kanyang pagsusulat, sa mga isyung panlipunan, sa mga pagkakapareho’t pagkakaiba ng karanasan noong Martial Law hanggang ngayong nasa gitna ng pandemya, sa social media phenomenon, at sa mga pighati’t pag-asang kanyang nadarama sa Pilipinas-- ang kwentuhan namin, halos inabot ng dalawang oras.
Samahan nyo kami sa isang maluwalhating episode-- makinig, mag-enjoy, magmuni-muni, mag-isip, at kumilos.
Listen up, yo!
Linya-Linya X Lualhati Bautista limited edition collab shirt: https://www.linyalinya.ph/products/linyalinyaxlualhatibautista