Episode Details

Back to Episodes
24 Oras Podcast: Love scams, Leptospirosis cases, GMA 75th Anniversary Station ID

24 Oras Podcast: Love scams, Leptospirosis cases, GMA 75th Anniversary Station ID

Episode 44 Published 6 months, 3 weeks ago
Description

Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, August 5, 2025.


  • Rider na pinahithit umano ng 'tuklaw,' nanigas at umiiyak sa isang viral video
  • 7 pasyente sa San Lazaro Hospital, nasawi dahil sa leptospirosis
  • 17 Chinese na nagpapatakbo umano ng love scam at 8 Pinay, arestado
  • Pulis na ninakawan habang nagpapa-carwash at saksi, sugatan nang barilin ng 'riding-in-tandem'
  • Grupong 1Sambayan, hiniling sa SC na pigilan muna ang Senado sa pagpasya kung itutuloy o hindi ang impeachment trial ni VP Duterte
  • Umano'y pekeng doktor sa mata, inaresto ng NBI matapos ireklamo ng dating pasyente
  • PSA: 0.9% inflation rate nitong Hulyo, pinakamabagal mula noong October 2019
  • Cardinal David: Malaking kabalintunaan ang pagkaso sa mga mahihirap na nagsusugal gayong ang gobyerno ang pinakamalaking operator ng online gambling
  • Mga baradong daluyan ng tubig malapit sa NLEX, regular na pinalilinis ng DOTr sa NLEX Corp.
  • Mga kasunduang palakasin ang PHL-India relations, tulad ng kooperasyon sa National Defense, nilagdaan
  • Low Pressure Area na nabuo kahapon sa Karagatang Pasipiko, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility
  • Barbie Forteza at Jameson Blake, spotted na magka-holding hands sa GMA Gala 2025; Jameson sa real score nila ni Barbie: "No comment"
  • 13-anyos na suspek sa pagpatay sa 8-anyos, mahaharap sa kasong kriminal
  • Cubao-Antipolo na biyahe ng LRT-2, 1 oras itinigil dahil sa lightning strike
  • Suspek na nambugbog sa babae hanggang mamatay, arestado sa Batangas; biktima posibleng ginahasa rin, ayon sa pulisya
  • OCTA Research Survey: Trust at performance rating ng Senado bumaba habang tumaas naman ang sa Kamara
  • Ilang Kapuso men, all-out sa kanilang looks for the GMA Gala 2025
  • Closed van, sumalpok sa 4 na tricycle; kritikal ang 2 sa 5 sugatan
  • China, iginiit na naaayon sa batas ang ginawa ng Chinese vessels sa Kalayaan Islands na nasa kanila umanong hurisdiksyon
  • GMA 75th anniversary station ID, may mahigit 6.8M views and counting
  • Mungkahi ng DA: Taas-taripa sa imported na bigas para protektahan ang mga lokal na magsasaka
  • Rider na walang lisensya, nagtangkang tumakas at muntik maka-disgrasya pero nahuli pa rin
  • Hontiveros: Mahigit P1B ang ininvest ng GSIS sa online gambling
  • Stars ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' agaw-pansin ang pagrampa sa GMA Gala

Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Listen Now

Love PodBriefly?

If you like Podbriefly.com, please consider donating to support the ongoing development.

Support Us