Episode Details
Back to Episodes
24 Oras Podcast: Illegal dog fighting, Human bones found in Taal Lake, Pinoy casualty in Israel
Episode 22
Published 7 months, 2 weeks ago
Description
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, July 14, 2025.
- PNP: May buto ng tao sa 5 sakong nakuha ng PCG mula sa Taal Lake
- Kaanak ng mga nawawalang sabungero, patuloy na nananawagan ng hustisya; handang magbigay ng DNA sample
- Tindera ng gulay, patay matapos maatrasan ng pampasaherong bus; ilang motorsiklo, natumbok
- Bahura malapit sa Pag-asa Island, nasira kasunod ng pagsadsad ng Chinese fishing vessel nitong Hunyo
- Lasing na pulis na nanutok at nagpaputok ng baril, na-inquest na sa patong-patong na reklamo
- Aktibo at dating pulis, sinampahan ng reklamong administratibo ni Patidongan sa NAPOLCOM
- Barangay captain, nagpaputok ng baril sa gitna ng clearing operation
- Lisensya ng bus driver na nagsusugal umano online habang nagmamaneho, suspendido ng 90 araw
- 49-anyos na OFW sa Israel, pumanaw na matapos tamaan ng missile ang tinutuluyang apartment noong June 15
- Low visibility at malamig na tubig sa Taal Lake, pahirap sa PCG divers; walang na-recover sa day 5
- Case build-up ng DOJ, lalong tumibay kasunod ng pagkakadiskubre sa mga buto sa Taal Lake
- Bagong Low Pressure Area, nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility
- Pagganap ni Bianca Umali kay Terra, pinuri online; Sang'gre Pirena at Terra, magkikita na kaya?
- Isang stranded malapit sa talon, patay, 3 nasagip nang rumagasa ang tubig
- PNP, NBI at DOTR, kabilang sa mag-iimbestiga; may nagmanman bago 'yan, ayon sa mga kapitbahay
- Illegal dog fighting, bistado; umano'y nagpapatakbo, arestado
- Sagot sa SC hingil sa timeline ng pag-usad ng impeachment, binabalangkas na ng Kamara
- Fil-Am player Dylan Harper, nagpakitang gilas para sa first win ng Spurs ngayong season
- Fierce performance ni Jillian Ward para sa katatapos lang na Pride month, hinangaan
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.