Episode Details

Back to Episodes
362: Paglilingkod sa Lungsod w/ Naga City Mayor Leni Robredo

362: Paglilingkod sa Lungsod w/ Naga City Mayor Leni Robredo

Published 6 months ago
Description

Marhay na aldaw!

Ipinakikilala: Naga City Mayor 👏 Leni. Robredo 👏 Boom!

Maswerte tayong nakabisita at tinaggap sa opisina ni now Naga City Mayor Leni Robredo sa first week niya sa serbisyo. Mahaba ang araw ni Mayor at abalang-abala sa trabaho— clock in ng 7AM, clock out ng 830pm. Nabigyan nya rin tayo ng panahon para magkwento sa kanyang pagkapanalo, at sa simula ng kanyang bagong papel bilang lingkod-bayan— balik sa kanyang pinakamamahal na hometown sa Naga. Ano nga ba ang kanyang mga plano at pangarap para sa lungsod? Sa parating na 2028 at sa mga darating pang eleksyon, bukas pa ba syang tumakbo sa isang National position? Ano ang mga natutuhan nya sa nakaraang eleksyon, at ano ang payo nya sa ating mga kababayan sa pagpili ng mga susunod nating mga pinuno?

Hindi lang sa Mabuting Pamamahala humantong ang usapan— umabot pa hanggang Mabuting Pagmamahalan. Humingi rin ng relationship advice sina Ali at Reich, lalo’t parating na ang kanilang nalalapit na kasalan.

Pakinggan sa The Linya-Linya Show! Listen up yo!

Listen Now

Love PodBriefly?

If you like Podbriefly.com, please consider donating to support the ongoing development.

Support Us