Episode Details

Back to Episodes
24 Oras Podcast: Manila under state of emergency, Oil price rollback, Minimum wage hike in Metro Manila

24 Oras Podcast: Manila under state of emergency, Oil price rollback, Minimum wage hike in Metro Manila

Episode 8 Published 8 months ago
Description

Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, June 30, 2025.


  • Pader na harang sa ilog sa Navotas, bumigay; hanggang 60 pamilya, nasa evacuation dahil sa nasirang bahay
  • Minimum wage sa Metro Manila, itataas sa P50 simula July 18
  • Dump truck ng munisipyo, tinangay at ibinenta; suspek na utility helper at 3 iba pa, tinutugis
  • Mga nasa likod ng video ng bumaligtad na witness sa Senate investigation kay Pastor Apollo Quiboloy, kakasuhan ni Hontiveros sa NBI
  • Ilang motorista, nakukulangan sa nakatakdang oil price rollback bukas kumpara sa big-time OPH noong nakaraang linggo
  • P700M na halaga ng shabu, nasabat sa isang Chinese at Pilipino; iniimbestigahan kung konektado sa floating shabu dahil sa basang packaging
  • Mga sundalong Pilipino, muling nagsanay sa paggamit ng high mobility artillery rocket system o HIMARS ng US Army
  • Pangamba ng ilan: Baka malabag ang 1-year ban ng Constitution kung magpasa ng certification na gusto ng 20th Congress na ituloy ang impeachment trial
  • DOJ Sec. Remulla, magsusumite ng aplikasyon bilang Ombudsman
  • Baha, landslide at rockslide, namerwisyo sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Habagat
  • Hontiveros: Panumpain na bilang impeachment judges ang 12 senador na nanalo nitong Eleksyon 2025
  • Maynila, isinailalim sa state of health emergency dahil sa mga 'di nakokolektang basura
  • Low Pressure Area, namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility
  • Mas maraming Pilipino ang nagsabing pabor sila na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court matapos itong kumalas noong 2019, batay sa resulta ng survey ng Octa Research
  • Mga bagong sang'gre, makikitang lumalaban sa digmaan sa Encantadia simula mamayang gabi
  • COMELEC En Banc, pinagtibay ang desisyong ipawalang-bisa ang COC ni Uy at ideklarang panalo bilang Manila 6th District Rep. si Abante
  • Pagbili ng NFA ng mais mula sa mga magsasaka tulad ng ginagawa sa palay, iniutos ni PBBM
  • Literal na pagka-"fall" ng isang fan sa gitna ng performance ni Paul Salas, nag-viral
  • Joross Gamboa, may kwelang post kasama ang "Sanggang-Dikit FR" co-stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado



Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Listen Now

Love PodBriefly?

If you like Podbriefly.com, please consider donating to support the ongoing development.

Support Us