Episode Details
Back to Episodes
129: Si Patreng, ang Community Pantry, at ang diwa ng pagdadamayan w/ Ana Patricia Non
Description
"Magbigay ayon sa kakayahan.
Kumuha batay sa pangangailangan."
Sa gitna ng pandemya, lumitaw at nangibabaw ang linyang ito sa isang karatulang karton, kasama ang isang kawayang karitong pinipilahan ng maraming tao. Mapalad tayong makasama sa podcast si Patreng Non, ang nagtayo at nagtaguyod ng community pantry sa Maginhawa St., Quezon City, na ngayon ay kumalat at naging laganap na sa buong bansa. Pinag-usapan namin ang halaga ng pagkilos, pakikipagdamayan, at pagtitiwala sa kapwa, lalo na sa mga panahong ito.
Nakakabilib, nakakamangha, at nakakabuhay-- sama-sama tayong magpa-inspire at magpahawa sa pagkilos kay Ana Patricia Non. Listen up yo!
#TheLinyaLinyaShow
#PoweredByGlobeStudios
thelinyalinyashow@gmail.com
http://twitter.com/@linyalinya
http://instagram.com/@thelinyalinyashow