Episode Details

Back to Episodes
280: Daddy Diaries - Business, parenthood, and the business of parenthood w/ Engr. Rene Sangalang

280: Daddy Diaries - Business, parenthood, and the business of parenthood w/ Engr. Rene Sangalang

Season 2 Episode 280 Published 2 years, 1 month ago
Description
Paano nga ba natin mas maa-appreciate at makikilala ang ating mga magulang? Para sa mga taong lumaki na madalas wala ang isang magulang dahil sa pagtatrabaho, isang dillema ang pagbuo ng makabuluhang ugnayan pagdating sa adulthood. Para sa ating Linya-Linya showrunner na si Ali, ang paghahanap ng espasyo at oportunidad kung paano mai-involve ang kaniyang tatay na si Engr. Rene C. Sangalang sa kaniyang business ang solusyon. Sa pagkuha sa kaniyang ama bilang consultant ng Tela-Tela, ang sariling garment manufacturing company ng Linya-Linya, nagkaroon sila ng oportunidad na mas makilala ang talento at talino ng isa't isa. Maraming ideyang naibahagi si Engr. Rene pagdating sa pagpapatakbo ng isang kompanya, ngunit isa sa mga kuminang na ideya ay ang respeto ni Engr. Rene sa mga manggagawa. Sa halip daw na mag-utos at magmando, mas kailangang magtiwala at makinig, dahil para sa kaniya, ang mga staff ang eksperto sa kanilang larangan. Samahan niyo kaming pag-usapan (kasama ang nanay ko, si Mommy Olive <3) ang pagpapatakbo ng business at pagpapatatag ng pamilya sa episode na ito! Listen up, yo!
Listen Now

Love PodBriefly?

If you like Podbriefly.com, please consider donating to support the ongoing development.

Support Us